Balak ko puntahan si Kecha sa bahay nila para ayain lumabas ng matanaw ko siya kasama si Jong at isang batang lalaki. Lumakad sila sa nakaparadang sasakyan hindi nila napansin na may nakatingin sa kanila habang sumasakay sa kotse. Bakit kasama ni Kecha ang lalaking 'yon?! Saka nagtataka ako sa kilos nilang tatlo, happy family kung tignan sila ngayon. Nakamasid lang ako sa bawat kilos nila mula sa loob ng sasakyan hindi gaano tinted ang gamit nila. Tinitignan ko ang tatlo habang nakasakay sa sasakyan na nakatigil sa harap ng bahay. "Bakit ganun ang pakiramdam ko? Selos ba ito!" aniko na lang at nakatingin ako. Umalis na ako at pumunta sa SM kung saan may i-meet akong tao. Nag-text ang taong 'to na papunta na ito SM. Nagpunta ako sa department store ng mainip ako sa paghihintay. Nag-

