Kinausap namin ang anak na hindi muna sasabihin sa ibang tao na nagkabalikan na kami ng mommy niya at hindi pa niya alam kung sino ako sa buhay niya. "But, why?" tanong ng anak namin nang matutulog na kami sa iisang kama. "Kasi, anak magagalit ang ninang Jia mo sa daddy mo." aniya sa anak namin. "Magagalit si ninang, bakit naman?" tanong ng anak namin habang nakahiga na kaming tatlo sa kama. "Tinatago namin sa kanya na maayos na tayo," aniya sa anak namin tahimik lang ako sa tabi nilang dalawa. "Bakit hindi nyo po sabihin ang totoo?" tanong ng anak namin napatingin siya sa amin. "Oo nga!" sabat ko sa kanila. "May tamang panahon para sabihin ang totoo, anak at ikaw para kang baka oo nga ka ng oo nga." sita niya sa akin ng balingan niya ako. "Okay po," ngiting sambit ng anak namin.

