Jong POV Yes! Sa wakas masasabi ko rin ito sa kanya ngayon sabihin ko kaya sa anak ko 'yong plano para matulungan nya ako? Habang pauwi kami sa bahay napatingin ako sa kanya habang nakasandal siya sa gilid ng bintana. "Hmm..." ungol niya nang tumagilid siya nang pwesto. "Hay!" aniko na lang at bumuntong-hininga. "Hmm, nasaan na tayo?" tanong niya sa akin nang ma-alimpungatan siya at tignan niya ako. "Malapit na tayo sa bahay," sambit ko at pinunasan ang pisngi ko. "Oh, okay." aniya at dumantay ulit siya sa upuan ng kotse ko. Nang nakauwi na kami sinabayan siya sa pag-akyat para ma-alalayan. "Dad!" tawag ng anak namin nang maka-labas siya kwarto niya. "Weisheme, erzi?" tanong ko nang makita namin siya. (Why, son?) "Ngayon lang po kayo umuwi, dad?" pungas nasambit ng anak ko haba

