Kecha POV Pakiramdam ko may sumusunod sa amin. "Tara, kumain muna ulit tayo lunch time oh!" aniya sa akin nang tignan niya ako. Napatingin ako sa kanya at tumango na lang. "Yeeehhheeeyyy!" sigaw ng anak namin natawa kaming dalawa. "Saan tayo kakain?" tanong niya sa anak at sa akin nang tumingin siya. "Food court na lang tayo kumain, ugly." sambit ko sa kanya. "Okay, beauty pumunta na tayo dun." aniya sa akin. Lumingon pa ako sa likuran namin bago sumunod sa mag-ama ko. After 4 minutes Makarating kaming tatlo sa food court nag-hanap kami ng ma-pwestuhan bago umorder ng kakainin namin. Nang maka-hanap naupo na kami kaagad. "Dito muna kayo mag-oorder na ako sa chinese booth." sambit niya at tumayo sa upuan niya. Habang nasa counter luminga-linga ako sa aming paligid para tumingin

