Kecha POV 9 months after Masaya na minamasdan naming dalawa ang anak nasa living room namin. Nakaramdam ako ng pagkirot ng tyan at napa-hawak ako sa unan na hawak ko bago ko kinalabit ang katabi ko. "Ugly," tawag ko sa kanya. "Bakit?" tanong niya sa akin. "Manganganaaakkkk naaaa aaaakkkooo....." sigaw ko bigla nang tumindi ang pagkirot sa tyan ko. Humawak ako sa braso niya hindi ko na kaya! "Saglit! Kukunin ko ang susi ng sasakyan natin tiis lang, beauty!" sigaw niya natatarantang pumunta sa sabitan ng mga susi nang sasakyan namin. "Mommy...." tawag ng anak ko sa akin nang lapitan niya ako. "Pumunta ka sa bahay ng ninong at ninang mo," bilin ko at inabutan ko ng pera mula sa bulsa ko. "But, mom." angal niya sa akin naiiyak sa nangyayari. "Sige na!" sigaw ko hinawakan ko ang tyan

