Chapter two
Mahirap lamang sila grasya nakatira sila sa isang lugar na hindi naman masabing ito ay squatter.Ang lolo nya ay nagtatrabaho sa isang pagawaan ng mga hallow blocks at ang lola bebang nya ay taong bahay naman, pinagkakaabalahan ni lola bebang ay ang gumawa ng mga kakanin.
Si grasya naman ang nagbebenta nito tuwing bago pumasok sa eskwela at pakatapos ng kanyang pasok.
minsan nilalako nya ito sa kanyang mga guro upang madaling maubos.
Si grasya ay nasa ika-anim na baitang na sa elementarya at sa murang edad natuto na siyang mag banat ng buto kaya alam niya kung gaano kahirap ang buhay nila.
Nasa isip nya na ay magsisipag upang makamtan nya ang kanyang mga pangarap at maitira sa magandang tahanan ang kanyang lola't lolo. sa katunayan mayroong pa siyang mga magulang ngunit, hindi nya rin maintindihan kung bakit ang nakagisnan nya ay ang kanyang lolo fredo at lola bebang.
minsan pinuntahan siya ng kanyang mga magulang upang siya ay kukunin hindi siya sumama sa mga ito
Grasya may bisita tayo maghanda ka ng meryenda upang mayroon silang makain, sabi ni lola bebang.
hindi na siya nag abalang tingnan kung mga sino ang mga dumating na mga bisita. tumalima na siya sa kanyang ginagawa.
siya ay naghanda ng lemon juice at kinuha niya ang tinapay nakalagay sa basket nilagyan niya ng palaman na coco jam. Na isa sa mga ginawa rin ni lola bebang niya.
la, heto na po ang meryenda, oh siya apo pakilagay nalang dito sa mesa at maari ka nang umupo.
saka pa lang niya nakita ang kanilang mga bisita walang iba kundi ang kanyang mga magulang.
kumusta anak? sabi ng kanyang ina na si dahlia.
ok lang po nanay, bakit po narito kayo ni papa ano po ang kailangan ninyo?
anak grasya, napag-usapan namin ng iyong papa na kunin ka namin dito sa iyong lolo at lola upang doon na mag-aral sa lungsod. Para hindi kana mahirapan saiyong pag -aaral kung sakaling ikaw ay tutuntun na ng sekundarya anak.mahabang tugon ng kanyang nanay dalia.
kayo ba ay talaga ay magdedesisyon lang ng para sa sarili ninyo at hindi nyo muna ako tinatanong kong gusto ko ang mga desisyon nyo para sa akin. At ganon ganun lang iiwan natin dito ang lolo at lola katulad ng ginawa nyo sa akin dati na basta nalang iniwan kila lolo at lola.sinasabi nya iyon habang umiiyak sa harapan ng kanyang mga magulang.
hindi si grasya sumama sa kanyang mga magulang at walang nagawa ang mga ito. Kung gusto nyang mag aral magsisikap siya para sa sarili niya at hindi aasa kanila.
.