Aubrey's POV Habang minamasahe ko ang noo ng aking asawa at pinagmamasdan ko din ang gwapo nyang mukha, alam kong tulog na ito base na rin sa malalim na paghinga nito. Mukha nga yatang napagod ang asawa ko, nagpalingon-lingon ako at ng makita kong walang tao ay hinalikan ko ito sa kaniyang labi. Nagulat ako ng bigla itong gumalaw ngunit nagpapasalamat ako dahil tulog pa rin ito. Masaya ako na unti-unti ng nangyayari ang mga pangarap ko sa buhay, ang pangarap ko na maramdaman ang sobrang pagmamahal sa akin ng asawa ko. Wala na akong mahihiling pa dahil nasa akin na yata ang lahat, salat man kami sa karangyaan at punong-puno naman kami ng pagmamahalan at ngayon nga ay pinaparamdam na rin sa akin ng aking asawa ang kahalagahan ko sa kaniya. "Matamis ba? Mukhang sarap na sarap ka sa lasa ah,

