APRIL POV. Mas lumala ang sakit ni Ethan at kailangan niyang manatili sa loob ng hospital upang mabantayan ng mabuti. Kailangan na din maoperahan ang anak ko ng mabilisan pero ang problema ay hirap kaming humanap ng blood donor ni Ethan kasi walang match, pati sa akin ay hindi. "Huwag kang mag alala, April. Makakahanap tayo ng blood donor ni Ethan," sabi ni Knight at hinawakan ang kamay ko. Nginitian ko siya at muling pinagmasdam ang anak kong mahimbing na natutulog sa hospital bed. NAGPAALAM na muna ako kay Knight na may pupuntahan na importante at pinabantay ko muna ang anak ko dito kasi nakatulog ito kakaiyak kanina sa mga gamot na tinuturok sa kanya. Mahigpit akong napahawak sa tasa ko at humigop. Nandito ako sa pinakamalapit na coffee shop sa hospital at may hinihintay akong tao

