Humigpit ang braso ni Jack sa baywang ni Angel. “s**t. I’m sorry.” Kumurap siya. “Ha?” Isinubsob nito ang mukha sa balikat niya. “I’m sorry I treated you like that. I’m sorry I thought…” He groaned. Hindi masabi ang salitang alam niyang nasa isip nito. Malungkot na ngumiti si Angel kasi medyo may kirot siyang naramdaman nang maalala ang una nilang engkuwentro. “Na akala mo bayaran akong babae?” Humigpit ang yakap nito sa baywang niya at humingi na naman ng tawad. Umiling siya. “Totoo naman ‘yon. At least that night I’m really that kind of woman.” Tiningnan nito ang mukha niya. “Masasabi mo ba sa akin na hindi ka nasaktan nang magising kang may pera sa lamesa? Be honest.” Nakagat ni Angel ang ibabang labi. Nagb

