PAG-UWI ni Angel sa apartment ready na si Grace para gumimik. Nakasuot na ito ng maiksi at revealing na dress at maayos na ang buhok at make-up nito. Hinihintay na lang talaga siya. Hinawakan nito ang kamay niya at hinila siya papunta sa kuwarto nito. “Alam kong wala kang party dress kaya pahihiramin na lang kita. Meron ako rito na bagong bili na hindi ko pa nasuot. You will definitely look hot on this one,” excited na sabi ng kaibigan niya nang abutin ang isang dress at iabot sa kaniya. “Bilis. Isuot mo na.” Nanlaki ang mga mata ni Angel nang makita ang pinapasuot sa kaniya ni Grace. Pero bago pa siya makapagreklamo ay nagsalita na ito, “You need to find someone new. So dapat you look amazing tonight. Okay?” May point ang kai

