Kumunot ang noo ni Angel. “Pero nakita ko si Dolly kanina na… hinalikan ka.” Natigilan ang binata, inalala siguro ang sinasabi niya. Then he smiled. “Ah. So that’s what made you jealous tonight. Sa pisngi lang niya ako hinalikan, baby. It was a ‘thank you’ kiss. Tumulong raw ako magkaayos sila ng pinsan ko pero sa totoo lang wala naman akong ginawa.” Pero sumeryoso rin ito agad at kumunot ang noo. “Pero kahit gaano ka pa nagseselos, hindi ka dapat sumasama sa kung sinong lalaki. I almost punched that guy.” Ayaw niya sana pero may naramdaman siyang tuwa sa puso niya sa possesiveness nito. Kasi hindi naman siguro ito magiging possessive sa kaniya kung hindi siya importante rito kahit papaano, hindi ba? Pero ano? Tatanggapin mo na naman siya? Makukuntento ka na naman sa kaya lang nitong i

