Pagdating ni Angel sa HR Department sinugod siya agad ng mga katrabaho niya para magtanong kung kailan pa sila magkarelasyon ni Jack at kung paano ‘yon nangyari. Napangiwi siya. Kasi ayaw niyang sagutin ang tanong ng mga ito. Masyadong personal at espesyal para sa kaniya ang mayroon sila ng binata. At oo na, madamot na siya kung madamot pero ayaw niya mag-share. Mabuti na lang lumapit si Mrs. Ocampo at pinagalitan ang mga katrabaho niya. Nakahinga siya ng maluwag at nginitian ang may-edad na babae na tango ang isinagot bago bumalik sa opisina nito. Sa loob ng sumunod na mga oras naging maayos ang pagtatrabaho ni Angel. Paminsan-minsan sinisilip niya ang cellphone niya pero walang text o tawag mula kay Jack. May mga sandaling kinakabahan siya pero palagi niyang iniisip na alam ng binata

