Where is Rosie by SundayisBest The Tea (A/N: Kapag po naka Italic ang senteces or paragraph it means po flashback siya.) THIRD PERSON POV "Ano ang una mong gustong malaman?" Tanong ni Ece kay Rose na hindi nagpro-proseso ng maayos ang utak ngayon. "Kakambal ka ba ni Ece?" In-expect na ni Ece ang tanong na iyon mula sa kaniya. "Hindi ko kakambal ang naka-usap mo noong nakaraang araw, Siya si Hedda." Sagot ni Ece na mas lalong pa gulo kay Rose "Hedda? Kung hindi mo siya kakambal eh 'di sino siya? Ano siya?" "Hoy Ece!" Tawag ni Hedda sa kaibigan niyang si Ece, umakyat ito sa bakod nila Ece. sa unang tingin ay hindi mo aakalaing Lesbian si Hedda, simula bata pa lang ito ay alam na niyang babae ang gusto niya. "Bakit?" Inosenteng tanong ni Ece. "Sino 'yung babaeng kasama mo kanina?"

