011

1826 Words
Where is Rosie by SundayisBest Picture ECE POV "So, Eudora, Paano mo nakuha ang ganyang kagandang kutis? Sobrang puti at flawless ng skin mo." Puri sa kaniya ni Olivia, bahagyang natawa si Eudora. "Actually, wala naman talaga akong ginagawa but I drink a lot of water every day." Sagot nito, hindi maipagkakailang sobrang ganda niya talaga, para siyang si Maria Clara na nasa 21st Century.  "Bakit sobrang tahimik naman niyan?" narinig kong mahinang bulong ni Eudora kay Sicario, kkaya napatingin ako sa kaniya. "Naging ganyan na talaga siya pagkatapos mawala ni Rosie, actually ngayon lang talaga kami nag-tawanan ulit ng ganto. Sobrang daming stress ang dinulot ng pagkawala ni Rosie sa amin." Sagot ni Sicario, mukhang nakahanap siya ng pamalit kay Indiax. "Uhm, I don't want to bring up, pero sino ba si Rosie?" Tanong ni Eudora, nabalot kami ng katahimikan sa tanong niyang 'yun. "Rosie is our firned pero mas close silang dalawa ni Ece. Much better kung siya na lang ang tanungin mo dahil lagi naman sila mag-kasama." Sagot ni Rollen, bumaling ang tingin sa akin ni Eudora at tila inaantay ang sagot ko, napabugtong hininga na lang ako bago sumagot. "That's true, bestfriend kami ni Rosie, magkakapit-bahay kaming lahat. A very happy girl, who spending her life to the fullest, ayaw niyang may nakikitang  malungkot kaya kung maari papasayahin niya 'yung taong na 'yun." Napayukong sambit. "I think she is the most beautiful person." "Yes, and yet may dumukot pa sa anghel na katulad niya." Out-of-nowhere kong nasabi. "I hope mahanap niyo na siya, i feel strong siyang person kaya makakatakas siya sa mga dumukot sa kaniya. And malay niyo nasa paligid niyo lang pala siya." Napa angat ako ng tingin kay Eudora, actually lahat kami napatingin sa kaniya. "A-Ah, I mean baka lang naman nasa paligid siya, watching and guarding you. Malay ba natin nasusunod kayo sa kidnapin diba?" It makes sense naman. "If she was protecting us then she should show herself." Ani Rollen. Sakto namang nag-bell na kaya nagsi-tayuan na kami at pumanhik na sa kani-kaniya naming classroom.  Magkakaiba na kami ng subject for now, since magkakaiba kami ng course na tinake. Sa lahat ng Minor Subject magka-kaklase kami but for Major Subjects just like now ay hindi. Habang papunta ako sa building ko ay bigla namang sumulpot si Russelle kung saan at hinatak ako sa isang classroom na hindi na ginagamit. "Ano ba Russelle? Ano na naman bang gusto mo?" Nakataas ang kilay ko habang nakaharap sa kaniya, napabugtong hininga na lang siya saka kinuha ang cellphone niya sa bulsa niya. "Don't you say na may nag-text na naman sayo?" Tanong ko sa kaniya, pinakita na lang niya sa akin ang cellphone niya na may larawan niya at ni Rosie na naghahalikan ULIT sa isang park, gabi na nun kasi may mga street light na nakabukas, pero sobrang linaw ng kuha I bet may night mode ang camera niya. "Hindi na ako magtataka na 'yan ang picture niyong dalawa ni Rosie. Bakit ba kasi kayo laging naghahalikan? Huwag mo naman igaya ang kaibigan ko sa mga ginagawa niyong dalawa ni Rollen." then i rolled my eyes, this is stressing me out. "I need to find this person who keeps me texting my scandal." Sambit niya, napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya, Scandal? "Scandal? Gago ka ba?" "Gago na kung gago pero masisira ang image ko dahil sa mga litrato na 'to Ece." Please allow me na sapakin ang lalaking kausap ko ngayon. "Yes, i know pero sana naisip mo 'yan bago mo landiin at paasahin si Rosie. Hindi lang image mo ang masisira kundi pati na rin 'yung kanya, better think faster than a turtle." Saad ko bago ko siya tuluyang talikuran. "You choose to cheat and now face the fvcking coincidence of you've done." at tuluyan ko na siyang iniwan. Nag-daan ang ilang oras at natapos na rin ang iilang Major Subjects ko ngayong araw, and one last subject left, and now pabalik na akong A-1 which is kaklase ko na naman silang lahat. Pabalik na ako sa Classroom, narinig ko ring kasa-kasama nila si Eudora papuntang classroom, hindi ako masyadong nagsasalita kapag kasama ko silamg lahat, hindi dahil magka-away kaming dalawa ni Rollen pero may nararamdaman akong kakaiba kay Eudora. Ang mga kilos niya, salita niya, yung mga mata niya, parang may resemblance ng kung sinong kakilala ko. May kakaiba sa kaniya na hindi ko ma-explain. Habang naglalakad pabalik ay naramdaman kong nag-vibrate ang cellphone ko, binuksan ko ito at may nag-message sa aking unknown number. From: Unknown Number Hey Ece! Remember this photo?  Para akong nahirapan na huminga dahil sa text message na 'to, pinindot ko ang image and then biglang bumulaga sa akin ang isang litrato na tila may kaaway, dalawa lang sila sa litrato. Nabitawan ko ang hawak-hawak kong Milktea at napaupo na lang sa sahig. Good thing walang nakakita sa aking students, para akong tinakasan ng dugo dahil sa larawan na 'to. Kahit Blurd ang mga mukha nila alam na alam ko kung sino silang dalawa. ito 'yung larawan na hinding-hindi ko makakalimutan. Halos mapatalon ako sa sobrang gulat dahil may humawak sa balikat ko, pagka-lingon ko nandoon si Eudora. "Hey, What happened?" Tanong nito sa akin 'tsaka ako tinulungang tumayo. "W-wala, may naalala lang ako." I lied, napatingin siya sa hawak-hawak kong cellphone kaya pasimple ko itong nilagay sa bulsa ko. "Mag-start na 'yung klase natin, tara na baka pagalitan pa tayo ni Prof." Tumango ako, nauna siyang mag-lakad sa akin, pasimple kong nilabas ang cellphone ko at 'tsaka ito in-off, baka kasi mamaya bigla na naman siyang mag-text. Pagkapasok namin sa kwarto ay saktong pumasok na rin ang Prof namin ngayon, ilang minuto lang siya nagturo at biglang nagpa-quiz, lahat kami nagreklamo dahil halos 30 minutes lang siya nagturo at 100 items 'yung quiz namin. That's great atleast hindi si Chupan ang Prof namin. Natapos ang klase niya at nag-aantay na lang kami na mag-bell, inayos ko ang bag ko para mamaya dere-deretsyo na ang pag-alis ko. Aasikasuhin ko pa ang group project namin na ako lang ang gagawa at kung sino man ang nag-send sa akin ng picture na 'yun. "Guys! May papakita ako sa inyo!" Natawag ng pansin ko ang biglang pag-sigaw ni Sicario, lahat kaming magkakaibigan ay nagsipuntahan sa kaniya, maski na si Eudora. "Bakit? Anong meron?" Tanong ni Oswald, hindi sumagot si Sicario at pinakita na lang ang nasa cellphone niya. "May nag-send sa akin neto, hindi ko alam kung sino pero mukhang na wrong send 'yung number." Para akong tinakasan ng dugo dahil sa text message na natanggap ni Sicario. Parehas ang larawan na nasa cellphone ni Sicario sa sinend sa akin kanina, hindi ko pinahalata na nagulat ako sa aking nakita.Pinilit kong umakto na parang normal pero hindi ko talaga maiwasang kabahan. "Kung na-wrong send siya edi sana sinabi na niya diba?" Si Russelle, buti na lang biglang tumunog ang bell medyo nakahinga ako ng maluwag. "Mauna na ako ssa inyo, gagawin ko pa yung group project namin." I really try to act normal, nagmamadali akong lumabas ng school at kumuha ng Taxi. "Saan po tayo ma'am?" Yumuko na lang ako bago sumagot "Sa ************** po." Naramdam kong hindi gumalaw ang sinasakyan ko kaya napatingin ako sa kaniya at napakunot ang noo. "Sobrang layo po nun dito ma'am, malaki-laki ang babayaran ninyo 'tsak---"  "Mag-drive ka na lang po kuya." Putol ko sa kaniya 'tsaka lang gumalaw ang taxi. I need to see you, baka may ginawa ka na namang ikapapahamak ko. DETECTIVE ROSE POV Wala ako ngayon sa office dahil may sakit ako at kahit nandito ako sa bahay ay iniistorbo parin ako nila Cole at Connor. Imbis na sa Office nila gawin ang trabaho ay dinala nila lahat ng papels dito sa bahay ko. Habang nagtra-trabaho silang dalawa ay tinitignan ko lang sila, bawal daw akong mag-trabaho dahil may sakit ako baka daw mas lalo akong magka-sakit, Sweet? Hindi nakaka-stress pa lalo dahil imbis na naka-upo lang ako dito, inuutusan pa nila akong gawin 'to, gawin 'yan. Leche kayong dalawa, kainin sana kayo ng papel. punyeta. "May nahanap na ako Connor." Sambit ni Cole habang nagtitipa sa keyboard niya. "Sana all." Napakunot-noo ako dahil sa sinabi ni Connor, ngayon ko lang siya narinig na sinabi 'yang SANA ALL na 'yan. "Ano bang ginagawa niyong dalawa?" Nanghihinang tanong ko sa kanila, nagtinginan muna silang dalawa bago umiling at humarap muli sa monitor. Napataas na lang ang kilay ko, unbelievable. Napatahimik na lang ako, biglang nag-vibrate ang cellphone ko. May isang message na galing sa Unknown Number, hindi ko muna binuksan ang message dahil nakatingin ang dalawang ugok sa cellphone ko. Tinaasan ko sila ng kilay tsaka lumayo sa kanila bago buksan ang message, halos mabitawan ko ang cellphone ko dahil sa nakita ko. Nilingon ko ang dalawa na nakatingin din sa akin, binasa ko ang ibabang labi ko at pumasok sa loob ng kwarto ko.  Nag-salita ako mag-isa, umaarte lang naman ako na may kausap sa cellphone, ilang minuto ang lumipas lumabas na ako sa kwarto. Nakatingin parin sa akin ang dalawang alupong. "Sino 'yun?" Tanong ni Connor, naupo ulit ako sa harap nilang dalawa. Pinakalma ko muna ang sarili ko, alam kong hindi manhid ang dalawang ito mararamdaman nilang may kakaiba sa akin. "May nangyaring masama sa kuya ko." I lied, hindi muna nila pwedeng malaman kung anong nakita ko sa cellphone ko. "Bakit napatingin ka sa amin kanina?" Tanong naman ni Cole, para nila akong ine-interrogate sa lagay ko ngayon. Tinaasan ko ng kilay silang dalawa. "Bakit ba? Masama ba? Ituloy niyo na lang 'yang ginagawa niyo." Masungit na sambit ko 'tsaka sila nagpatuloy sa ginagawa nila. Sinave ko ang litrato sa cellphone ko tsaka ko dinelete ang message, hin-hide ko na rin ang image para ako lang makakakita nito. I must keep it a secret hangga't hindi ko pa naku-kumperma ang mga nakita ko. "If you have information Rose pwede mong sabihin sa amin." Sambit ni Connor habang nakatitig sa monetor. "Alam mong may sakit ako ngayon diba? Paano ako makaka kuha ng impormasyon ha?" Binalik ko ang malditang vibe ko sa kanila para hindi maka halata. "Okie, I hope you're not lying," Connor said, yeah and I hope y'all do the same. THIRD PERSON POV "Ano ayos ba 'yung ginawa ko?" Tanong ng isang babaeng nakasalamin. "Oo, saan mo pala nakita 'yung picture?" Tanong ng isang binata sa kaniya. "Let's just say na meron akong connections at memories na pilit niyang kinakalimutan pero tandang-tanda ko pa rin." Naka-ngising sambit ng dalaga. "Are you really sure na tutulungan mo kami?"  "Yeah, no one can change my mind. Ayaw ko ng magtago sa dilim, I need some sunlight bro." Sabi ng dalaga tsaka nag unat-unat ng kaniyang katawan. Maghapon na siyang nakaharap sa kaniyang computer, may hinahanap siyang iba pang mga litrato na alam niyang makaktulong sa kanila kung sino ang nag balak dumukot kay Rosie, hindi man close ang dalagang ito at si Rosie pero gusto niya itong tulungan. Biglang napalingon ang babae sa pintuan nila dahil biglang may nag-doorbell dito, nanlaki ang mata ng dalaga.  "Magtago ka na bilisan mo!" Natarantang saad ng dalaga, inayos niya ang sarili niya bago niyang buksan ang pintuan, bumungad sa kaniya ang isa pang babae alam niya kung ano ang pinunta niya dito. "Ate, anong ginagawa mo dito?" End of Chapter 011 NOTE: Sinipag akong mag-update, dalawang update sa isang araw is new to me HAHAHAHA
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD