Where is Rosie by SundayisBest
Prologue
Dala dala ni Detective Connor ang isang folder ng pumasok ito sa interrogation room kung saan naroroon ang isang dalagang parang may sariling mundo. May dala dala itong bola na nilalaro nito sa kaniyang kamay, halatang kinakabahan ito dahil isa siya sa tinitignan na naging dahilan kung bakit nawala ang kaibigan nito.
Bago umupo ay tinignan niya muna ang camera na nasa bandang kaliwa ng silid at pagkatapos ay naupo ito sa harap ng dalaga saka nilapag ang folder sa mesang nasa harapan nila.
"Anong pangalan mo?" Tanong ni Detective sa babaeng kaharap niya. Tanging ang namamagitan lang sa kanilang dalawa ay ang mesa.
"Ece." Sagot nito na tila kinakabahan.
"Kilala mo naman siguro ako diba?" Tanong ni Detective sa dalagang nasa harap nito.
"Yes, ikaw 'yung nag iimbestiga sa pagkawala ng kaibigan namin." Sagot nito na parang siyang kinakabahan.
"Totoo bang Ece ang pangalan mo?" Tanong ng detective sa kaniya. Hindi ito sumagot at nakipagsukatan lang sa 'kin ng tingin, ni hindi man lang ito kumurap.
"Sagot!" Malapit ng maubos ang pasensya ni Connor dahil sa asal ng dalagita sa harap niya.
"Ece Hezekiah Martinez ang pangalan ko, dapat alam mo 'yun dahil detective ka." Nag-iwas ng tingin ang dalagita ay patuloy sa paglalaro ng bola sa kamay niya.
"Okay, Kaibigan mo si Rosie Alexaundria Hernandez diba?" Natagalan pa bago ito sumagot.
"Hindi." Napataas naman ang kilay ni Connor dahil sa sagot ng dalaga.
"Hindi? Pero sabi mo nung una kitang tanungin matalik mo siyang kaibigan." Halata ang iritasyon niya sa sinabi ng detective.
"Wala akong kinalaman sa pag kawala niya, kung meron man edi sana wala ako ngayon dito diba." Naiinis na saad ng dalagita. Napailing na lang si Connor at tumayo na sa kinauupuan niya.
"Lahat kayong magkakaibigan may tinatago, alam ko 'yun at malalaman ko din 'yun." Saad ni Detective Connor bago umalis sa interrogation room.
Pagkalabas niya naabutan niya pa ang mga ibang kaibigan ni Ece na nag aabang sa paglabas nito. Sumalubong sa kaniya ang partner niya na si Detective Rose saka niya ito sinabayan maglakad palayo sa kanila.
"May nakuha ka ba sa kanila?" Tanong ni Detective Rose.
"May tinatago silang lahat, naamoy ko 'yung lansa ng pagkakaibigan nilang lahat." Sagot ni Connor saka pumasok sa loob ng Office niya.
"Matitibay ang alibi ng mga batang 'yun." Ani Rose.
"Malalaman ko lahat ng 'yan at paniguradong makukulong ang may kagagawan nito." Napatingin silang dalawa sa harap nila, may isang malaking board na may nakadikit na mga larawan ng bawat isa sa kaibigan ni Rosie.
"They got so many skeletons on their closets, I'll make sure na sila mismo magtuturo kung nasaan si Rosie ngayon."
End of Prologue
Note: Esimorp mahirap gumawa pag dine demonyo ka ni Lucifer(series) tsaka ng t****k ngayon. By the way, let's try ko write Mystery for now. Entry ko din po pala ito sa Wattys2020 ewan ko din kung bakit ako mag entry for Wattys pero good luck to me.
Stay safe! Stay away from viruses in short stay away from your fake friends!
Peace out!