002

1876 Words
Where is Rosie by SundayisBest "Where is Rosie?" ECE POV "Mag ingat kayo sa pag uwi niyo. Matulog na agad kayo dahil may pasok pa tayo bukad." Paalala sa amin ni Indiax bago magsi pasok sa kani-kaniya naming bahay. Bago ako pumasok sa loob ng bahay, natanaw ko ang bahay nila Rosie. Naisipan kong pumunta muna sa bahay nila, tatanungin ko kung naka uwi na ba si Rosie pakiramdam ko merong mali. Kumatok ako sa pintuan nila bumungad sa akin ay si Tita Mary¾mama ni Rosie. "Oh, bakit nandito ka Ece? Anong oras na wala parin si Rosie ngayon." Napakunot ang nook o dahil sa sinabi ni tita Mary. "Akala ko po nandito na si Rosie, Alam niyo po ba kung nasaan siya?" Tanong ko kay Tita ngunit napailing na lang siya. "Baka nasa condo niya siya ngayon nagpapahinga, malay mo bukas bumalik na siya." Sagot ni Tita, tumango na lang ako at bumalik na sa bahay namin. Where are you Rosie? KINABUKASAN, pumasok na ako sa University ng hindi man lang dumadaan sa bahay nila Rosie. Baka nauna na rin siya sa akin doon kaya dumeretsyo na lang ako sa University. Pagkapasok ko sa 'Secret Room' namin sa loob ng University bumungad agad sa akin ang mga kaibigan kong naglalandian kasama ang mga jowa nila. Sila Indiax at Sicario ay gumagawa ng related sa school work kaya sila na lang ang nilapitan ko. "Hey, nakita niyo na ba si Rosie?" Bungad ko sa kanila, Umiling na lang ang dalawa bilang sagot, Ni hindi man lang nila ako tinapunan ng tingin. "What? Kagabi wala din siya sa bahay nila, hindi daw siya umuwi kagabi. Akala ko naman nandito na siya dahil sabi ni tita baka nasa condo na siya." Sabi ko sa kanila, napatingin naman ako sa mga kaibigan kong busy makipag landian. "Really? Nawawala na si Rosie and patuloy pa 'rin kayo sa paglandi." Inis na saad ko na nakapagpatigil sa kanilang apat. "Don't overreact, malay mo kung saan-saan lang napunta si Rosie. She can handle herself, she's not a kid anymore so don't treat her as one." Sagot ni Rollen, I just rolled my eyes at napatingin kay Russelle.  Pasimple kong tinignan si Russelle pasimple din siyang umiling. Walang kwenta, marunong lang lumandi 'e. "Rollen's right, Kaya na ni Rosie ang sarili niya, tignan mo mamaya nandito na 'yun kadaldalan mo." Sambit naman ni Olivia, napairap na lang ako sa kanila. Nananahimik kami ng biglang bumukas ang pinto ng secret room naming, niluwa nun ang kaibigan namin na laging Missing in action, si Frankie Abigail. "Nagpakita din si gaga." Kunwaring surprised na saad ni Indiax. "Saan ka na naman galing nung nakaraang mga araw?" Tanong nito. "Nagliwaliw, pumunta sa grocery, namasyal." Sagot naman nito, ang tino niya talaga kausap. "Nakita mo ba si Rosie nung nagliwaliw ka?" Tanong ko sa kaniya. "Really? Lahat na lang ba tatanungin mo nyan?" Napatingin ako kay Rollen na nakataas na ang kilay. "Hindi lang umuwi si Rosie nagkaganyan ka na, Nakakairita." "Pag ikaw naman nawala, wala naman akong paki." Iritadong saad ko sa kaniya. Pakielamera ang puta. "Hindi ko din naman sinabi na magkaroon ka ng paki, Comfort room lang ako." Saad niya bago siya umalis sa secret room, hindi ko alam kung anong tumakbo sa utak ko sinundan ko siya papuntang Comfort Room ng girls. Pagkapasok ko sa loob nadatnan ko si Rollen na kakapasok pa lang ng cubicle. Ni-lock ko ang pinto para makasiguradong walang makakapasok at makakarinig sa paguusapan naming dalawa. "Ano bang problema mo sa akin 'ha Rollen?" Tanong ko sa kaniya, naupo ako sa sink na katapat ng cubicle na pinasukan niya. "Nakakairita ka na masyado, hindi na bata si Rosie kaya na niya sarili niya pero ikaw..." Hindi na natuloy ang sinasabi niya dahil bigla na lang siya natawa saka lumabas sa loob ng cubicle at naglakad papunta sa tabi ko. "You know what Ece, I know your little deep darkest secret." Napatigil ako sa swing ng paa ko dahil sa sinabi niya. Tinignan ko siya, inaayos niya ang sarili niya na para bang wala siyang sinabi na nakapagpatigil sa akin. "How did you know?" Mahinang tanong ko sa kaniya, napalingon ito sa akin at tinignan ako ng kakaiba. "You should hide the secret even better more now, since I know it, accidentically. 'Wag ka ng mag antay na malaman pa nila, madi disappoint lang sila." Saad nito bago niya ako iwan mag-isa sa Comfort Room, tulala. How did she know? Screw you kung sino man ang nagsabi sa babaita na  'yun! BUMALIK ako sa Secret Room, kung ano ang dinatnan ko nung umalis ako ay ganun din ang nadatnan ko nung bumalik ako dito. Nagpunta ako sa Bar Counter na kung saan din si Indiax. "Why do you look so frustrated?" Tanong nito sa akin sabay lahad ng isang baso na may laman na alak. "Pampakalma." Tinanggap ko ito kahit na bawal pumasok nang nakainom, "Wala namang nangyari, hindi ko parin ma-contact si Rosie." Pagdadahilan ko. Napatingin kaming lahat kay Frankie dahil sa bigla niyang pagtugtog ng piano at pagkanta ng You don't own me. You don't own me I'm not just one of your many toys You don't own me Don't say I can't go with other boys Don't tell me what to do And don't tell me what to say Please, when I go out with you Don't put me on display Pinapa sexy pa ni Frankie ang pagkanta niya na para bang may nilalandi siya, hindi na tinuloy ni Frankie ang pagtugtog at tumingin na lang sa akin na parang may nalaman siyang hindi dapat. "Try nyong kumanta guys maganda siya sa health." Saad niya at uminom ng alak na bigay din ni Indiax. "Hindi ka talaga nagbago Frankie, magaling ka pa ding kumanta at 'yung boses mo para kang malanding pokpok." Saad ni Sicario kaya't natawa na lang si Frankie sa kaniya. Naglakad papalapit sa akin si Frankie, napakunot ang nook o dahil wala siyang ibang ginawa kundi ang tignan ako ng malagkit. "Ano bang gusto mo Frankie?" Tanong ko sa kaniya ngunit ngumiti lang ito at umalis sa tabi ko. Minsan na nga lang magpakita sobrang weird pa. "Tara na, nagsimula na daw magturo si Sir." Nagsi alisan na kami nang mag-aya si Indiax NASA CLASSROOM na kami at nagtuturo sa harap namin ang teacher namin sa Philosophy. Alam kong napansin ng iba ang hindi namin pagpapansinan ni Rollen dahil narinig ko ang pagtanong ni Sicario kung anong meron sa aming dalawa ni Rollen. "Out of nowhere bigla lang pumasok sa utak ko, ni hindi na nga kasama sa topic natin 'to pero since may oras pa naman tayo...." "Ang dami niyang daldal." Bulong ni Frankie sa akin, pinaka ayaw niyang subject ang philosophy dahil sobrang boring daw ito, parang si Rosie lang. Hindi na ako nakinig sa kung anong sinasabi niya, sinuot ko ang earphone ko at nagpatugtog para hindi ko marinig ang nonsense na sinasabi niya. Ngayon ko lang napansin na wala parin pala si Rosie, tinext ko siya tinatanong ko kung nasaan siya pero ni reply wala. Naputol ang pagpapatugtog ko ng biglang may nagtanggal ng isang earphone, tinignan ko si Frankie na may tinitignan sa harapan kaya sinundan ko ang tinitignan niya. May mga police na kausap ang Professor namin sa labas ng classroom, panay din ang tingin ng police sa pwesto namin. Parang alam ko na kung sino ang pinunta nila dito. Pumasok na ulit sa loob ng classroom naming ang Professor kasama ang isang police na lalaki. Gwapo siya at matangkad, papasa bilang isang model pero mukhang isnabero. "Nandito ang mga police para i-excuse ang mga kasama sa party ng golden anniversary ng Hernandez couple, Sino ang kasama nun paki taas ang kamay." Saad nito kaya nagsi taasan kami ng kamay, kami lang magkakaibigan ang nagtaasan ng kamay wala ng iba. "Lahat kayo pumunta ng AVR kakausapin ko kayo." Saad nung police saka lumabas ng kwarto. Naiwan ang buong klase na tahimik, nauna na akong tumayo at sumunod sa AVR. NASA LOOB na ako ng AVR kasama ko si Indiax na walang imik simula ng pumasok ito sa loob kasunod ko. "Nakita na kaya nila si Rosie?" Pambabasag ko ng katahimikan, tinignan ako ni Indiax ngunit hindi ito sumagot. "Narinig ko ang usapan ng Dean at nung Police kanina habang papunta ako dito, Hindi pa daw nakakauwi si Rosie, wala din daw ito sa condo niya, Walang nakakita kung nasaan si Rosie." Napatigil ako sa sinabi ni Indiax. "What are you saying? Nawawala si Rosie?" Tanong ko sa kaniya, napatungo naman siya. "Kahit wala pang 24 hours pinapahanap na siya ng parents niya, pinuntahan na rin nila lahat ng pwedeng puntahan ni Rosie pero wala pa rin daw." Dagdag pa ni Indiax. Napasapo na lang ako sa mukha ko dahil sa hindi ako makapaniwala, Sino ang dudukot kay Rosie? Nagsidatingan na rin ang mga iba naming kasama na parang napipi dahil tinatanong namin sila kung bakit ngayon lang sila pero hindi nila kami sinasagot. Namayani ang katahimikan sa amin, walang balak magsalita ni isa sa amin, siguro alam na rin nila na nawawala si Rosie. Madaling kumalat ang mga bali-balita dito sa paaralan na 'to. Hindi nagtagal dumating na rin ang Police kanina pero ngayon may kasama na itong babae, may dala-dala itong foler. Pagkapunta nila sa harapan naming nilapag niya ito ng padabog. "Kung hindi niyo kami kilala ako si Detective Rose at siya naman si Detective Connor kami ang magha handle ng pagkawala ng kaibigan niyo." Panimula ni Detective Rose. "Ano bang gusto niyo sabihin?" Naiinis na tanong ni Sicario. "Impatience, I just want to say na lahat kayo is suspect sa pagkawala ng kaibigan niyo." Napa-tanga kaming lahat dahil sa sinabi ni Detective Rose. "Are you even kidding?" Hindi makapaniwalang saad ni Olivia. "Sad to say pero hindi." Napa-irap nalang si Olivia dahil sa sagot nito. "Kaya ngayon pa lang sabihin niyo na kung may nalalaman kayo para naman mabawasan ang kasalanan niyo." Saad ni Detective Connor. "Oh my god, I can't believe na madadamay ako sa katarantaduhan niyo." Sambit ni Rollen na pinapatigil ni Russelle. "Wala kayong pruweba na kami ang gumawa nun kay Rosie." Hindi ko alam kung saan ko napulot ang lakas ng loob para sabihin 'yan. "Kayo ang kasama ni Rosie bago kayo umalis, walang ibang nakaka alam na may party na magaganap maliban sa inyo at ang mga guest. Kaya isa sa inyo ang suspect. Okay?" Hindi ako makapaniwala sa mga naririnig ko ngayon. "Inuulit ko, May kinalaman ba kayo sa pagkawala ni Rosie?" Tanong niya ulit sa amin, lumipas ang ilang minute pero wala pa ring nasagot. Nagulat kaming lahat ng bigla niyang hampasin ang lamesa. "Wala kaming kinalaman sa pagkawala ni Rosie." Para akong naubusan ng lakas ng sumagot ako sa kanila. "Siguraduhin niyo lang na wala kayong kinalaman." Saad ni Detective Connor saka siya umalis. "Let me clear, kahit na sinabi niyong wala kayong kasalanan hindi pa rin kayo maalis sa suspect list naming. Thank you." End of Chapter 002 NOTE: Hi! Dapat kahapon pa talaga ako mag a update pero sumakit ng sobra 'yung balikat ko kaya ayun. See you tomorrow! Stay Safe! Stay away from viruses in short stay away from your fake friend! Piece Out!!!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD