“Take off your dress,” utos sa akin ng malagom na boses. Gaya kahapon, patay ang ilaw. Tanging ako at ang mga canvas lang ang naiilawan ng spot light. Tumalikod ako sa kanila at pilit na inaabot ang zipper ng dress na nasa aking batok. “Hay! Kainis naman!” I exaggerately sighed. Halos bumaluktot ang mga braso ko sa pagpipilit kunong maibaba ang zipper sa aking likuran. “Patulong naman,” pagpapaawa ko sa kanila. Napangisi ako nang pumalatak ang isa sa kanila. Rinig ko pa ang pabulong nilang pagtuturuan. Kung ibang lalaki ang mga ito, siguradong mag-uunahan pa sila para tulungan ako. Pero ang dalawang ito? Nangingilag na lapitan ako! Lalo tuloy lumakas ang pagdududa ko. “Okay. I will help you. J-just don’t look,” pagwa-warning nito sa akin. “Fine!” kunwa’y inis kong pagpapatinaod pero an

