CHAPTER 23: CLES

1398 Words

Kabado man ay hindi ko iyon ipinahalata kay Cesar. Pumuwesto kami sa bench na sigurado akong makikita kami ng mga players. At ilang saglit nga lang, nakita ko na ang pagsulyap sa amin ng kambal. Nakita ko rin ang pagbubulungan ng mga ito. Lihim akong nagdasal na sana ay nagseselos na ang mga ito. Lalo ko tuloy na pinatamis ang aking mga ngiti at pinahigpit ang aking pagkapit sa braso ni Cesar kahit na pinagpapawisan na ang palad ko sa kaba. Prrt! Pumito na ang referee. Jump ball na. Naghanda ang mga players. Nang ibato pataas ng referee ang bola, nagsitalunan ang kambal. Magkalaban pala ang mga team nila. Sinadya man o hindi, humagis ang bola na pinalo ni Summer papunta sa direksyon namin. Agad na iniyuko ni Cesar ang ulo ko dahil nanigas ako sa pagkabigla. Damn! Lumakas ang t***k ng p

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD