Chapter Eight

1226 Words

ITINULAK ng babae ang lalaki. Tila nagtalo pa ang dalawa kung sino ang dapat na pumatay sa kanya. Napapapikit na lang si Bettina sa sobrang sakit ng kanyang p********e. Isa lang ang nasa utak niya-- iyon ay ang makaalis siya ng buhay sa lugar na iyon. Ngayon lang niya napagtanto na may katotohanan iyong sinabi kanina ni Miyaka. Sinamantala ni Bettina ang pagtatalo ng dalawa. Inipon niya ang natitira niyang lakas para makatayo. Humawak siya sa gilid ng kama at marahang tumayo. Pagtayo niya ay mas lalong umagos ang dugo mula sa kanyang p********e. Malakas siyang napasigaw sa sobrang sakit at nakuha niyon ang atensiyon ng dalawa. Tumingin ang mga ito sa kanya. “Ako! Ako! Ako!” Itinuro ng babae ang sarili nito. Yumuko ang lalaki at umatras. Sa tingin niya ay nagkasundo na ang dalawa kung si

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD