“ANG ibig sabihin pala’y isa sa mga kaibigan mo ang napatay mo. Tama ba?” tanong ng pulis kay Miyaka nang huminto siya sa pagsasalaysay sa kung ano ang nangyari sa kanila sa Baryo Isidro. Tigam ang luha at nanginginig na napatingin siya sa pulis. Mariin siyang umiling. “Hindi… H-hindi ko iyon sinasadya. Hindi ko sinasadyang mapatay si Kathleen! Kaibigan ko siya. Bakit ko siya papatayin? Nilinlang nila ako ng mga hayop na iyon para patayin ang kaibigan ko! Hayop sila! Hayop sila!” Hinahampas na niya ang ibabaw ng lamesa at halos magwala na. Isang pulis pa ang pumigil sa ginagawa niya. Hinawakan nito ang dalawa niyang kamay at sinabihan siyang kumalma. Napayakap na lang si Miyaka sa kanyang sarili. Hindi na niya alintana ang mga dugong nasa katawan niya. “Matapos ang aksidenteng pagpatay

