Ngumiti ka kaibigan
Sa kabila ng iyong pinagdadaanan
Iyong tandaan, lilipas din yan!
Naghihintay sayo ang magandang kinabukasan
Sa pagmulat ng iyong mga mata
Ang lungkot ay palitan ng saya
Marami pa ang nagmamahal sa iyo diba?
Naku, hindi lang siya!
May makikilala ka pang ibang tao
Na magmamahal sayo ng totoo
Magpapasaya ng iyong puso
At bubuo sa iyong pagkatao
Laging tandaan ikaw ay isang mahalagang tao
Dito sa ating mundo
Nandiyan mga kaibigan at pamilya mo
Palaging nagmamahal sayo
___________________
Wag mong gawing mundo ang alam mong dapat ay tao lang! Pero teka, kanino ba umiikot ang mundo mo?