NANDITO ako ngayon sa Salameda mansion at binibisita ang matalik kong kaibigan na si Chantal at kasama ko ang isa pa naming kaibigan na si Pamela. "May sasabihin akong importante sa inyo," malungkot ang boses kong turan. Nakita kong nagkatinginan sina Chantal at Pamela. "What? May problema nanaman ba kayo ni Kevin Carlos?" asked Chantal. "Don't tell me nag-away nanaman kayo. Nako ha---hindi healthy sa baby mo na palagi ka nalang umiiyak at masama ang loob. Pinapaalala ko lang sayo," said Pamela. "Nahihirapan na talaga ako. Ginawa ko naman ang lahat. Binigay ko naman sa kanya ng buong-buo ang puso ko. Minahal ko rin siya ng sobra-sobra. Pero wala talaga." "Naghiwalay kayo? Hiniwalayan ka niya? Gago 'yon ah! Nako-nako huwag na huwag siyang magpapakita sa akin at makakatikim talaga siya

