KASALUKUYAN akong nasa maliit kong opisina sa Dream Mugs at may inaayos na mga papeles ng katokin ako ni Lexie. "Miss Kristen, someone is looking for you," she said as I told her to come in. "Looking for me?" nagtataka kong tanong. "Sino daw?" "Vanessa daw eh," Lexie answered. Kumunot ang noo ko. Wala akong kilala sa ganoong pangalan. "She look like a supermodel," dagdag na imporma ni Lexie. Wala talaga akong maalala na nagngangalang Vanessa. Ganoon pa man ay tumayo parin ako at pinuntahan ang mesang itinuro ni Lexie. Nakatalikod sa akin ang babaeng Vanessa daw ang pangalan kaya hindi ko makita ang mukha. "Hi Miss, you're looking for me?" magalang kong tanong ng makalapit ako sa babae. Biglang kumabog ang dibdib ko ng humarap siya sa akin at makita ko ang mukha niya. She looked fa

