Chapter 3 - Part 1 "Pweding Kiligin Pero Hindi Pwedeng Ma-inlove”

2132 Words
NAGISING ako ng maramdaman ko ang sikat ng araw na tumatama sa makinis kong mukha. Sumilip iyon mula sa makapal na kurtina ng malaking bintana. Geez nasaan nga ulit ako? Bigla akong napabalikwas ng tayo ng malaga ko ang mukha ng manyak na lalaking humahabol sa akin kagabi. Oh my God, NO! Kaagad kong kinapa ang sarili ko. Nagtagumpay ba ang manyak na lalaking iyon na pakialaman ang katawan ko? Wala naman akong kakaibang nararamdaman sa katawan ko. I feel completely the same. Mabilis kong inikot ang tingin ko sa paligid. The room looks familiar. Then I saw a hello kitty collections sa isang side ng kwarto. Nakahinga ako ng maluwag. Thank you Lord I'm in my room in my parents mansion. Mula ng bumukod ako ng tirahan ay minsan nalang ako matulog dito sa mansion. "Good morning babies,” I greeted my hello kitty collections.  Noong bata pa ako ay paborito ko si  hello kitty. Marami akong collection ng may mga mukha niya. Natigil nalang ako sa pag collect noong bumukod na ako ng tirahan. Iniwan ko lahat ng collection ko dito sa kwarto ko sa mansion. Nakakahiya kasi kapag may mga kaibigan akong pupunta sa Condo ko tapos makikita nila ang mga babies ko. Baka isipin na immature pa rin ako. Anyway... Bakit ako nasa mansion? Sandali akong nag-isip. Nakita ko sa isip ang gwapong mukha ng lalaking nagligtas sa akin kagabi. “Kevin Carlos,” mahina kong turan. "My unexpected hero,” hindi ko maiwasan na hindi kiligin ng kaunti lalo na ng maalala ko kung paano niya ako inasikaso kagabi matapos niya akong ipagtanggol sa mamang manyak.   --FLASHBACK-- TAHIMIK kong pinapakiramdaman si Kevin Carlos. Hindi ko kasi alam kung ano ang nasa isip niya. Kanina pa siya tahimik at nararamdaman ko ang galit sa aura niya. Pakiramdam ko nga sa itsura niya ngayon--- ang bumangga, giba! "You need to see a doctor. Kailangan nating mapatingnan agad ang paa mo,” he said after a few minutes of silence. Tinulungan niya akong maiupo sa passenger seat ng kanyang kotse. "No need, I just want to go home now.” Kinuha ko ang phone ko at nag-dial para tawagan ang driver ko na naka park lang kung saan at naghihintay sa akin. Ngunit nagulat ako ng kinuha niya ang phone sa kamay ko. "You can go home now. Ako na ang bahala maghatid sa amo mo,” puno ng authority nitong kausap sa driver ko. Tapos ay pinindot na ang end button at ibinalik sa akin. "What are you doing?" I asked. "Didn't you hear? I said, I'll be the one to take you home." Hindi ko alam pero parang galit siya at hindi ko maintindihan kung bakit. "I want to make sure that you'll get home safe. I don't know your driver, but at this point I cannot trust you with just anyone." I think he is now being paranoid. Natatakot siya na pati ang driver ko ay pagtangkaan din akong gawan ng masama. "Manong Alan is not a bad person. He's been our family driver for almost two decades already. I don't think he would do something bad to me,” I reasoned out. "How can you be so sure? In case you are not aware, you can turn anyone into a hellhound especially in your state right now." Niyuko ko ang aking sarili. "Holly God!” Napamulagat ako ng makita ko ang sira sa suot kong evenings dress. Malamang ay napunit iyon kanina habang sinusubukan kong iligtas ang aking sarili sa hayop na lalaking ‘yon. Kaagad ko na pinagcross ang aking mga braso para matakpan ang halos nakalantad ko nang dibdib. Kumuha naman siya ng Polo mula sa likod ng kotse niya. "Here, wear this one." Abot niya ng white Polo sa akin. "Thank you,” pasalamat ko sa kanya. Without thinking ay dumeretso iyon sa ilong ko para amoyin. Napapikit ako ng maamoy ko ang pinaghalong pabango at natural scent ni Kevin Carlos. s**t! Bakit pati pawis niya ay mabago? "I have used it already so it may smell sweaty but it can help covering yourself,” paliwanag niya. Napahiya naman ako sa ginawa ko. Ano ba naman kasi ang pumasok sa isip ko at inamoy ko pa talaga? Baka tuloy kung ano pang isipin niya. Isinuot ko ang polo niya sa aking katawan. "Sasabay nalang ako pauwi sa driver ko. Ayaw ko nang maka istorbo pa sayo. Malaki na ang naging tulong mo sa akin ngayong gabi." "I already said what I said. I'll be the one sending you home,” tumaas nanaman ang boses niya sa akin. "But---" "No, but's. I'll send you home and that's final." Pagkatapos ay kinuha nito ang sariling cellphone at nagdial. Ilang sandali ay may kausap na ito. "Hello, Robert. I know it's late but I'm on my way to you now. You need to see someone... Yes, we'll be there in 10 minutes,” pagkatapos makipag usap ay isinara na nito ang pinto ng kotse sa side ko at umikot papunta sa driver's side. "Where are you taking me? Akala ko ba ay ihahatid mo ako pauwi?" hindi ko napigilang magtanong. "I know a good Podiatrist and I'm taking you to him,” he said and started the car's engine. "But there's no need. I'm pretty sure bukas na bukas ay maayos na 'tong paa ko. Isa pa nakakahiya, anong oras na tapos mang istorbo pa tayo ng mga tulog na kaluluwa." He looked at me. "If I were you I'll shut my mouth. Or do you want me to kiss you to shut up?" Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. "What---" agad kong tinikom ang bibig ko, mariin ko rin na pinikit ang mata ko ng bigla siyang lumapit sa akin. Naramdaman ko ang katawan niya na sobrang lapit sa katawan ko. Amoy na amoy ko rin ang gamit niyang pabango. My God. Bakit bigla ko yatang naramdaman ang pawis sa singit ko? "You need to buckle your seatbelt, Madam.” "Oh okay."  Hayyy, seatbelt lang naman pala. Akala ko sa twenty five years na existence ko sa mundo ay sa wakas matitikman ko na kung ano ang lasa ng halik. Char! False alarm lang pala. Biglang may init na tumulay sa katawan ko ng maramdaman ko ang mabango niyang hininga malapit sa mukha ko. Pigil din ang paghinga ko hanggang matapos siya sa pagkabit ng seatbelt ko. Feeling ko, ito yata ang pinakamatagal na pagkabit ng seatbelt sa buong buhay ko. "Finally you shut your mouth,” I heard him say. Pagbukas ko ng mga mata ko ay nakita ko ang nakakaloko niyang ngiti. "May sasabihin ka?" he teased me. I glared at him and shook my head. Baka kasi kapag nagsalita nga ako ay ituloy niya ang banta niya kanina. Hindi ako handa. "Good girl,” he said. Inirapan ko lang siya ulit na sinagot naman niya ng ngisi. Bakit ba ang bilis-bilis niya magpalit ng emosyon? Ilang sandali ay nasa bahay na kami ng kaibigan niyang doctor at tinitingnan na ang nasaktan kong paa. "Ahhh" igik ko ng subukan nitong galawin iyon. "How is it?" asked Madrigal. "Her foot is sprained,” sagot ng doctor. "Pero huwag kayong mag-alala, hindi naman malala." Pagkatapos niyang hilutin ng kaunti at pahiran ng gamot binalot niya ito ng benda. May gamot din siyang pinainom sa akin, pain reliever daw 'yon. "Your foot needs a few days rest, Kristen. If it can be avoided, don't give too much pressure to your foot. It will help to heal it quickly,” bilin ng doctor at nginitian ako.  Gosh! Promise ang gwapo niya. Lalo na noong ngumiti siya at lumitaw ang malalım na biloy niya sa mukha. Gosh parang kay sarap maging pasyente kung siya naman ang magiging doktor mo.  Kinotongan ako ni Kevin Carlos ng mahina noong mapansin na titig na titig ako sa gwapong doctor. Sinamaan ko lang siya ng tingin. Masama bang humanga sa perpektong gawa ng Diyos? Saka ano bang problema niya doon? “Is that all? Are you sure she doesn't need surgery?” asked Kevin Carlos. The doctor tapped his shoulder. "Your girlfriend is fine, Madrigal. Don't worry too much." he said with a boyish grin. Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi ng doktor. Ano daw ang sabi niya? Girlfriend? Ako girlfriend ni Madrigal? No way! “He is not my boyfriend doc. Not in this life,” agad kong pagtatama dito. Madrigal glared at me as if he was telling me to shut my mouth. "Thanks for attending us even at this late, Robert,” harap ni Kevin Carlos sa kaibigan nito. "No problem. Alam mo naman na hindi kita mahihindian." Nag-usap pa sila ng ilang saglit tapos ay nagpaalam na kami. "If after three days your foot don’t get better. You can call me at this number." Abot sa akin ni doc Robert ng isang calling card nito. Nanlaki ang mata ko ng mabasa ko ang pangalan na nakasulat sa calling card. Shit, double s**t! Dr. Robert Samaniego is the famous Billionaire doctor. Isa siya sa mga miyembro ng  “The Billionaires Club” na kinabibilangan ng kuya Lucas ko, ni Kenzo Fontivilla Salameda at ni Kevin Carlos. Ito rin ang best friend ni kuya Lucas na ayaw ipakilala sa akin dahil natatakot na baka daw ako ang sumira sa pagkakaibigan nilang dalawa dahil nga sa pagiging babaero daw nito.  Mabuti nalang talaga at hindi ko sinabi sa kanya ang family name ko at mukhang hindi niya rin ako kilala. Kung nagkataon ay baka makarating pa kay kuya Lucas ang nangyari ngayong gabi.  “Thank you, Dr. Samaniego,” pasasalamat ko sa kanya. Grabe! Hindi ko alam kung ano ang malaking utang na loob niya kay Kevin Carlos na sa kabila ng katauhan niya ay hindi niya kami natanggihan kahit na nga ba hating gabi pa kami pumunta.  "Robert is fine with me,” he said it with a charming smile. Okay. Ngayon naiintindihan ko na kung bakit ayaw siyang ipakilala ni kuya Lucas sa akin. Hindi nga naman malayong magkagusto ako dito sa bestfriend niya na ‘to. Paano ay nag-uumapaw naman kasi talaga ang s*x-appeal at kagwapohan.  “Ahemmm,” madilim ang mukha na tikhim ni Kevin Carlos para kunin ang pansin namin. “We should go now.” Inalalayan na niya akong tumayo at maglakad papunta sa kotse niya. Nang maisakay na ako sa kotse ay nagpaalam na ito kay doc Robert.  “Bye, Kristen. Don’t forget to call me if your foot won’t get better.” “I will.” Ilang sandali ay nakasakay narin si Kevin Carlos sa driver’s seat. Ipapasok ko na sana sa clutch bag ko ang calling card ni doc Robert kasama ng mga gamot na bigay nito ng magulat ako ng bigla iyong hablutin ni Kevin Carlos sa kamay ko. "You don't need this. You call me if your foot don’t get better and I will take you to a different doctor,” he looks pissed and I don't know why. "Anong problema mo?" "Do you like him?" he asked without looking at me. "Who? Doc Robert?" I'm confused, I really don't understand why he looks mad right now. "Who else? Alangan naman iyong damn bastard na nagtangkang humalay sayo." Shit. Is he jealous right now? But why? "He's cute---" sinadya kong ibitin ang sinasabi ko para tingnan ang reaksiyon niya. I saw his face darkened. "But he is my brother’s best friend and I don’t want to ruin their relationship." I'm sure I saw his lopsided smile. Then he concentrated on driving. Habang nasa daan ang tingin niya ay hindi ko maiwas na hindi siya titigan. Kapag ganitong sobrang lapit namin sa isa't isa, minsan talaga naiisip kong maglaro ng apoy. Iyong kahit na alam kong pwede akong mapaso at masasaktan ay parang gusto ko parin talagang subukan. "How come you don't have a boyfriend?" he asked while his eyes were on the road. "What made you think that I don't have a boyfriend?" "You told me earlier that your parents and Lambert's parents are pushing you both together. They won't do that if you're committed to someone else, right?" Oo nga naman. Matalino rin talaga ang unggoy na 'to. Dahil hinihintay kitang tumino. Char! Syempre hindi ko sinabi 'yon. Hindi naman ako tanga noh. "There's no special reason. And it's not my priority now," I answered his question. I wanted to ask him the same question but I changed my mind. Parang alam ko na rin naman ang sagot niya kaya iniba ko nalang ang usapan at baka kung saan pa mapunta. Nagtanong nalang ako tungkol sa negosyo. Tapos ay nakatulog hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. --END OF  FLASHBACK –
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD