Chapter 31 Hindi ako makatulog. Nakatingin lang ako sa kisame buong magdamag nang may kumatok sa pinto. Nang binuksan ito ay nakita ko si Mama na may dalang baso ng gatas. "Gabi na po, ah," sabi ko. Pumasok siya sa kwarto at inilapag ang baso sa mesa. "Gabi na rin, ah. Ba't gising ka pa?" Hindi ako nakasagot. Ngumiti siya sa 'kin at inilibot ang paningin. "Hindi ka ba naglilinis dito? Ba't ang daming alikabok?" Pumunta siya sa balkonahe at binuksan ang mga bintana. "Grabe, pati mga tuping damit hindi mo nailagay sa kabinet mo?" Kinamot ko ang batok. "Naging busy lang po, eh." "O siya, inumin mo na 'yang gatas para makatulog ka nang madali." Tumango ako at ininom iyon nang isang lagok lang. "Tapos na." Nahinto ako nang tumitig siya sa 'kin na may nag-aalalang ngiti. Nagbuntong-hini

