" Ava take a rest, please. You just recover from an accident." Hinawakan siya sa balikat nang kanyang ina. Kadarating lang nito kasama ang kanyang ama. Agad nang mga itong pinuntahan siya nang sabihin niya ang nangyari sa asawa. " Okay lang ako mama, baka magising si Luis. Gusto ko ako ang makita niya." Muli siyang tumingin sa asawa na nasa Intensive Care Unit. Nasa critical itong kalagayan at still sedated kaya nakakabit ito sa mechanical ventilator. Madami ding mga nakakabit ditong mga infusion.Tumama ang bala sa baga nito at kailangan nang chest drain. " Stay in the room, Ava. Wag nang matigas ang ulo." Sabi nang kanyang ama, mayroong naka reserved na presidential suite para kay Luis at doon siya nag stay para matulog. Hinawakan siya nang kanyang ina at inalalayan para bumalik sa

