" Did you miss me, Ava?" Bulong nito sa kanya, nakatunghay ito sa kanya habang ang isang palad ay nakatukod sa kanyang tagiliran.Ang isang palad ay dinadama ang kanyang mukha. Tumango siya at napalunok iniiwas pa din ang tingin sa mga mata nito. " I missed you, Ava. And I ached for you." Sabi nito at nagtaas baba ang dibdib nito. Three weeks na siya dito at hindi lumalampas ang asawa niya sa yakap at halik. Na ipinagpapasamat niya, dahil walang dahilan para hindi siya mabuntis nito. " But I want you fully recovered sweetheart. And again, I will ask for a doctor's advice." Nakangiti nitong sabi at hinalikan siya sa noo. Napangiti din siya dito.Tumayo ito at naglakad na patungo sa bathroom. Bago tuluyang pumasok tinawag niya ang asawa. " Have you heard of Mariang Palad?" Alam niya

