Kinabukasan din ay lumipad na sila papunta nang Brazil. Private plane ang ginamit ni José Luis dahil sa kagustuhan na mapuntahan siya agad at plano nitong isama siya pabalik. Meron na din itong isang team na kasama na mag aasikaso sa kanya. Dalawang doctor at tatlong nurse. Mahigpit ang bilin nang mga magulang na mag iingat siya at tumawag lang kung kinakailangan. At napag kasunduan na ang kanyang ama ang hahawak sa pag papatayo nang hotel resort na nag invest si, José Luis. Alam niya na ginawan nang paraan nang kanyang magulang ang mga findings na pinadala nito sa kanya. Nagtataka man sa sinabi nang ama, pero alam niya he is just putting José Luis to test. " Are you okay?" Maya't maya ay tanong sa kanya ni José Luis. Hindi niya alam kung totoo ang sinabi nito. Pero isa sa dahilan kung

