Chapter 2

1080 Words
One year Later " Good morning, Ma'am Ava." Bati sa kanya nang mga empleyado nila pagpasok nang hospital. Anim na buwan siyang nag train bago maging hospital administrator. At pinaghahandaan niyang, maging CEO ng hospital at university na pag aari ng mga Mondragon. Sa ngayon nahahati ito sa kanya at pinsan niya na anak ng kanyang Tita Ysa. " Good morning." Bati niya. Nagtuloy siya sa elevator at umakyat sa palapag na laan para sa kanya. Pag bukas niya nang opisina agad siyang binati nang kanyang secretary na si Mylene. " Good morning, Ma'am Ava." " Morning Mylene." "Director’s meeting at 10 am, ma'am. And assessment for new doctors in the afternoon." Agad na basa nito sa mga dapat niyang gawin sa buong maghapon. " Okay, salamat." Aniya at naupo na sa swivel chair. Mula nang umuwi siya naging abala na siya, weekend lang ang kanyang pahinga. " Hello, Dia." Tawag niya sa kaibigan na masasabi niyang mapagkakatiwalaan niya. Magkaka ibigan ang kanilang mga magulang. " Oh hi, Ava. Anong balita at napatawag ka?" Bungad nito sa kanya. Sa ngayon sa kanyang kapatid na si Aidan ito nagta trabaho. " Let's hang out, later." Pagyaya niya dito at mabilis pa ito sa alas kwatro na umu o. "Sure, call other girls." Sabi nito at ang tinutukoy ay kanyang mga pinsan na si Iris, Lavin at Czesta. Ito ang kasama niya sa mga lakad, kaya malaya siyang makalabas dahil tiwala ang mga magulang niya. " Okay see you, Dia." Ibinaba na niya ang tawag, sinimulan niya ang gagawin. " Work without play is so boring." Tinatamad siyang tumayo at tumingin sa harap ng salamin na dingding. " Ano na kaya ang nangyari sa lalaki na iyon? Might be happily married.” Kausap niya sa sarili, hindi niya talaga alam ang ginawa niya ditong kalokohan. " We meet at the wrong time handsome. Ikakasal ka na. At ngayon baka may baby ka na." Hindi niya makalimutan ang olive green nitong mga mata. " Gusto mo nang check up? Nagsasalita ka na mag isa." Napabaling siya sa nagsalita sa pinto ng kanyang opisina. " Kris Finn!" Nakangiti niyang tawag sa binata na naka three-piece suit. Isa ito sa board of directors ng mag attend sa meeting. Si Finn naman ang namamahala sa medical school ng mga Mondragon. " Ava, call me Finn." Nakangiwi nitong sabi at umupo sa upuan na nasa harap nang kanyang desk. " Sorry naman, I like your name." " Yeah everybody does." Bagot nitong sabi kasi ipinangalan nang kanyang Tita Ysa ang mga anak sa tauhan nang Noli Me Tangere. Sunod sa pangalan ng ama ng mga ito na si Tito Ibarra. "You're early for the meeting." Aniya na naupo sa harap nito. " I don't want to be late." " Coffee?" Alok niya dito, na tumango. Siya na ang lumapit sa kanyang coffee maker at gumawa ng kape para sa kanilang dalawa. " So, bakit mo kinakausap ang sarili mo? Tinalo mo pa si Csezah." Ang kapatid nito ang tinutukoy nito. Nakina karir ang pagiging Sisa sa mga kalokohan. " How is she?" " Still in Spain, may ini imbento na bagong alak. She's inspired the last wine she made won in a distillery competition." "Wow, good for her. Hindi pa din pwede uminom?" Natatawa niyang tanong dito. " Mana kay Papa." Natatawa din nitong sabi. " So, kelan ka mag bo boyfriend Ava? Balak mo bang si Aidan na lang magbigay ng apo kina Tita Ivanna at Tito Adam?" " May nakita akong na gwapuhan ako, kaya lang ikakasal na. And maybe ikinasal na ngayon." Sabi niya na may himig biro. " Kaya pala nagsasalita ka mag isa." Sabi nito at tumango tango pa. " Nakakabaliw talaga pag na in love ka na." " Hm, in love ka?" " Hindi, kasi ayaw kong mabaliw.Tama nang si Thiago ang mabaliw sa pag ibig na iyan." " Don't say that, Finn. Love is a wonderful feeling. " Sabi niya kasi saksi siya pagtitinginan nang mga magulang. High school na sila naaabutan pa nilang mag make out ang mga magulang sa kusina o sa pool. " Yeah, sabihin mo iyan ulit sa akin Ava. Pag nagmahal ka na." Natatawa nitong sabi. For sure, ang pag ibig na hahanapin niya ay tulad sa kanyang mga magulang. Pang matagalan at masayang pagmamahalan. " Ma'am, mag start na po ang meeting." Putol sa pag uusap nila nang kaniyang secretary. Tumayo na sila ni Finn. " He will be lucky to have you, Ava. You are playful but still, you have moral values. Not like other girls, makakita lang nang gwapo they will offer themselves without inhibitions." Parang disgusted nitong sabi. "May pinagdadaanan ka ba Finn?" Hindi ito nagsalita, mag ka agapay lang silang maglakad sa board room. " You're a good catch Finn, and women will do anything just to get you on the hook. Kahit pa ang sariling katawan ang ipain nila." " I'm not going to fall for that kind of woman, Ava." May diin nitong sabi, dumilim ang gwapo nitong mukha. " Thiago and Aidan think differently I guess. The heart knows when the search is over.” Naiiling ito kasi alam nito ang pagiging womanizer nang dalawa. " They can't collect and then select. They will have their karma. I believe in that." Sabi pa nito, natigil lang ito sa sentiment nito nang maupo na sila sa board room. Matapos ang mahigit dalawang oras, natapos din ang meeting. " Let's have lunch, Ava." Yaya ni Finn paglabas nila nang board room at hindi siya tumanggi. Sa isang high-end restaurant sila pumunta. " How's Thiago?" Tanong niya dito nang magsimula na silang kumain. " Pinag leave nina Mama kasi hindi na daw nila nakikita si Thiago. Lagi na lang nasa labas nang bansa." " Let me know, Finn. Kasi alam kong game siya pagdating sa mga lakaran." " Sure, he needs it anyway. He's been searching for his Maria?" Parang disgusted nitong sabi. " Hindi na ako makapag hintay na ma inlove ka Finn." Natatawa niyang sabi dito, pero nag smirk lang ito. " I don't mind as long as she's worth it." Hindi na lang siya nag salita. Mukhang may nag de debate sa kalooban nito. " Oh, I have a favor to ask. Pasabi kay Tita Ysa na huwag payagan si Aidan gamitin ang private jet. Grounded siya, he fvck her secretary." " Again?" Natatawa nitong sabi.At hindi niya mapigilan ang mapangiti. For sure Aidan will be mad!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD