THIRD PERSON POV Tahimik ang loob ng barko, pero hindi payapa may kakaibang bigat sa hangin parang may paparating na hindi maganda. Ang mahinang ugong ng makina at ang banayad na pag-alon ng dagat ang tanging tunog sa loob ng maliit na kwarto nina Evan at Diyosa. Nakatayo si Evan sa may pintuan, nakasandal ang balikat sa dingding, nakatingin sa relo niya. Ilang minuto na ang lumipas simula nang lumabas si Diyosa. Bumuntong-hininga siya. “Ang tagal mo naman,” bulong niya, halatang iritado pero may halong pag-aalala. “Bibili lang ng pagkain, parang nag-tour na.” Hindi niya namamalayang kanina pa siya hindi mapakali. May kung anong kumikiliti sa dibdib niya hindi gutom, hindi pagod. Kutob. Lumipas ang limang minuto. Sampu. Wala pa rin. Tumuwid si Evan at tuluyang lumabas ng kwarto. S

