DAHAN-DAHANG sinara ni Tristan ang pinto ng kanyang unit at nakatingkayad na naglakad patungo ng elevator. Para siyang isang magnanakaw na nagpuslit ng isang mamahaling alahas o ginto at dadalhin ito sa isang lugar na siya lang ang nakaaalam. Matapos niyang makipag-usap sa tiyuhing si Carlos noong nakaraang linggo, gusto niya naman ngayong magtungo sa Diamond Empire dahil sa kyuryosidad. Hindi niya alam kung ano ang mangyayari sa kanya kapag nahuli siya ni Temyong pero gusto niya talagang malaman kung ano ang pinagkakaabalahan ng lalaki sa lugar na iyon. Alam niyang imposible itong maging isang manager doon dahil hindi naman ito nakatapos ng pag-aaral base sa alam niya. Naalala niyang pinagbawalan siya ni Lucas gawin ito ngunit ilang linggo na siyang hindi makatulog dahil dito. Nakahin

