SINAMAHAN ni Lorice si Janus sa rooftop kasabay ng pagpasok nina Lucas sa sala upang maghanda. Kung sakali mang si Temyong nga talaga ang nasa likod ng ilang beses nang pag-ali-aligid ng kotseng iyon, hindi niya aaksayahin ang oras na ibinigay sa kanya—tutuluyan niya na talaga ang lalaki para naman makaganti na siya sa ginawa nito sa kanya, sa kanyang ina, at sa pamilya ni Gaia. Wala siyang pakialam kung makulong man siya sa gagawin na ‘yon. Napakatagal na panahon na niyang hinihintay ang pagkakataong magkaharap silang dalawa. “Paano kung si Temyong nga?” tanong ni Wilkins habang naglalakad sila patungo sa maliit na daan ng likod-bahay ng lalaki. “Eh, ‘di, siya nga. Kung sakali mang siya, uunahan ko na ang Black Moon sa paghahanap sa kanya,” tugon ni Lucas. Nagkatinginan lang ang d

