PLANADO ang lahat ng nangyari. Alam ni Marijean na hindi si Steve ang gumawa sa kanya noon. Malakas talaga ang kutob nito na si Saul ang may kagagawan ng pagkakaaksidente niya. Dagdag pa ang pagsasasabi sa kanya ng lalaki ukol sa nalaman nito kanina lang. “Magkunwari kang walang alam, Steve. Kami na ang bahala. Tatapusin muna namin ang laban ni Lucas at Temyong, tutulungan ka namin.” Umiling ang lalaki. “Hindi n’yo ako kailagang tulungan. Hindi ko kayang maging isa sa inyo at hindi ako pwedeng maging isang Black Moon,” pagtanggi nito. “Hindi pa huli ang lahat para magbago—‘yan ang palagi naming sinasabi sa mga taong naliligaw ng landas. Mayroon kayong kanya-kanyang dahilan kung bakit n’yo narating ang ganyang punto ng buhay pero ‘yan ba talaga ang gusto mo hanggang dulo?” “Hindi mo

