“P-PAANONG nawala?” nalilitong tanong ni Bettina kay Marijean. “Hindi ko rin alam dahil kung hindi ko makausap nang maayos noon si Lucas—lalo naman si Jestoni. Hindi na namin pinag-usapan pa ang tungkol doon. Napakaraming nangyari, Bettina, kaya patawarin mo ako kung ngayon ko lang nasabi sa iyo ang mga bagay na ito. Napakatagal kong hinintay ang araw na masabi ‘tong lahat. Naghintay ako nang napakatagal na panahon. “Alam kong hindi pa huli ang lahat para sa hustisya ng nangyari kay Lucas. At kung gusto mo, isa ako sa hahanap sa lalaking sinasabi mo. Ibigay mo lang sa akin ang pangalan niya at litrato noon kung mayroon pa, sisimulan ko na nang imbestigasyon.” Huminga nang malalim si Bettina. Ilang ulit niyang tinatanong sa sarili kung handa na ba siya sa magiging laban na ito lalo na

