Kabanata 139

2350 Words

TAKIPSILIM na noon. Isang oras pagkatapos umalis ni Elsa sa bahay ni Lucas ay siya namang narinig nila ang pagbusina ni Six sa labas ng bahay. Pagbukas pa nga ng gate nina Boy at Aries ay nakita pa nila si Gaia na nakatalikod na at papasok na sa loob ng bahay.   “Mabuti na lang, hindi niya tayo nakita,” sabi ni Boy sa kasama.   Paglabas ni Six sa kotse ay nilapitan niya kaagad ang dalawa. “Nandiyan pa ba si Elsa?” tanong pa nito habang naglalakad sila papasok ng bahay. Kinuha ng mga ito ang supot-supot na hindi nila alam kung ano ang nasa loob ngunit mabibigat iyon.   “Naku, wala na. Kanina pa umalis,” tugon ni Aries.   “Sinugurado n’yo bang walang ibang nakakita sa kanya paalis? Baka mamaya malusutan tayo.”   “Doon namin siya sa likod pinadaan.”   Agad tumango ang lalaki.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD