ILANG araw matapos ma-confine si Tristan sa ospital dahil sa pagkakasakit ay nasa kotse na ito ngayon at pauwi na ng kanilang bahay. “Pa, nasaan si Mama?” tanong nito sa amang si Jessie habang nag-da-drive. Nginitian siya ng ama. “Naalala mo ba ‘yong sinasabi ko sa ‘yo na pinsan mong si Aia?” “Opo. Bakit? Magkasama sila ng mama mo ngayon at gusto sanang sabihin sa ‘yo na mula ngayon, sa bahay na natin siya titira.” Napalingon si Tristan sa ama kasabay ang malawak na ngiti. “Magkaka-little sister na ako?” masaya pang sabi nito. “Yes. We’re going to…adopt her.” Alanganin siyang ngumiti sa anak. Hati ang emosyon niya sa pag-ampon sa pamangkin. Masaya siyang madadagdagan ang miyembro sa kanilang pamilya dahil hindi na sila magkakaroon pa ulit ng anak ni Nicole. Na-diagnose ito na m

