HINDI na nagulat si Gaia sa ginawa ni Temyong sa kanya. Ang ikinagulat niya ay ang biglaang pagpapaputok nito ng baril. Noon pa lang ay dinadalangin niya nang mamatay na sana siya para makasama niya na nang kumpleto ang mga magulang—at alam niyang ito na ang pagkakataon na ‘yon. Alam niya na noon pa lang na ganito na ang mangyayari sa pagsama niya sa amain. Ni hindi nga yata nito alam na noong araw na sumama siya ay kalilibing lang nila sa kanyang ama. “G-Gaia…magiging masakit ‘to. Naiintindihan mo? Wala tayong anesthesia rito kaya kung ano lang ang nandito, ‘yon lang ang pwede nating gamitin sa pagtanggal ng bala sa binti mo.” Tumango lang siya. Hindi niya kaya ang sakit na nadarama hanggang sa kaibuturan ng kanyang sistema. Pinagpapawisan siya kahit na may kalamigan ang volume ng a

