Subalit anumang pagdadalawang-isip ni Dana tungkol sa pagpapalit niya ng kanyang napiling Destiny ay naglaho nang maabutan nila ni Irvine si Flynn na nasa loob ng pabilog na kural at nakasakay sa isang kabayo. He looked so strong and so powerful riding that huge and obviously wild stallion. Para siyang nanonood ng sine sa kaperpektuhan ng bawat galaw nito para makontra ang pagtatangka ng kabayo na patalsikin ito mula sa likod niyon. Every arch of his body was both manly yet graceful. Mistulang sayaw na ang tugtog ay ang mga yabag ng mga paa ng kabayo sa lupa. It was a good thing she never goes anywhere without her trusty sketch pad and charcoal pencils. Dahil maiguguhit niya ang napakagandang porma nito habang pilit nitong pin

