Nanatili ang mabilis na tahip ng puso ko sa tuluyan nilang paglapit sa pwesto namin. Mas ramdam ko ang init sa titig niya kumpara sa init ng kasalukuyang panahon. "Maligayang kaarawan, Cesar!" bati ni Manang at halos sabay sabay kaming tumayo para bumati. "Maligayang kaarawan, Tito Cesar! Nako tumanda na naman ho kayo ng isang taon!" asar ni Danah na ikinatawa nila. Nagkaroon ako ng dahilan para maiwasan ang mainit niyang tingin sa akin nang lumapit ako at bumati rin. "Maligayang kaarawan ho." Saad ko bago namin nilahad ang regalo namin sa kanya na agad naman niya tinaggap. "Nako nag-abala pa kayo. Salamat, hija. Salamat sa inyo." galak na sabi ni Manag Cesar. "Sige at umupo na kayo." Naglagay ng karagdagang upuan sa biluging mesa. Sa kaliwa ko ay sila Manang Desa at Danah, sa kanan n

