Katana's Pov Hindi pa man sumisikat ang araw ay nagsimula na kaming maglibot sa paligid. At ipagpasalamat ko nalang na hindi ko intindihin ang lalaking ito dahil marunong syang makipaglaban nang hindi inilalagay ang sarili sa alanganin kaya nakakapag-focus ako sa paghahanap sa mga zombies. Hindi kami pwedeng mag-iwan ng kahit isa sa mga ito kung talagang gusto naming matapos ang zombie outbreak na ito. "Bakit parang alam mo kung saan makikita ang mga zombies." ani Erien na ikinatigil ko. Hindi ko inaasahan na mapapansin nya iyon. Muli akong naglakad para mauna at ramdam kong sumunod sya. "All my senses are enhanced because of the experiment and training kaya madali sa'kin na hanapin iyon. I can hear their moans within a kilometer" "Oh. I thought, you can feel them." aniya na ikinaling

