Nanami Yoshino (Katana) "I heard what happened to you yesterday," ani Lychee nang aksidente kaming magkasabay sa main gate. Actually, kasabay kong pumasok si Ashen. Sinundo niya ako sa bahay tulad ng napag-usapan namin kahapon. At nang makarating kami dito sa school ay nakasabay nga namin itong si Lychee at ang vice president ng student council na si Andrew na siya namang guide ni Ashen kahapon. At dahil hindi natapos ang pagga-guide kay Ashen dahil sa emergency matter na nangyari sa student council ay ngayon nila itutuloy iyon lalo na't wala pa itong nasasalihang club. Kaya magkausap ang dalawa ngayon at nakakuha naman ng pagkakataon itong si Lychee na makausap ako. "I just got a headache," walang gana kong sabi. Ayoko talagang makaharap ang lalaking ito dahil alam kong kapag malap

