Nanami Yoshino (Katana Light) Nang tuluyan akong makalapit sa mga nagkakagulo ay bumungad sa akin ang babaeng nagwawala. Tatlong security guard na nga ang nakahawak sa kanya dahil masyado siyang malakas ngunit hindi pa din iyon sapat para mailayo siya sa lugar na ito at madala sa kanilang opisina. Gusto niyang sugurin iyong isa pang babae na umiiyak na habang inaalo ng ibang mga sibilyan. At habang nagwawala ang babaeng iyon ay isinisigaw nito na mayroong itim na aura ang babaeng iyon at sinasabihan daw siya nito na papatayin. Of course, walang maniniwala sa kanya dahil wala namang nakakakita sa mga itim na aura na iyon kundi ang mga tulad ko na mayroong sight. Dahil ang kasalukuyan niyang nakikita ay ang parasite at pinagbabantaan siya nitong patayin dahil sa kakayahan ng mga mata ni

