Nanami Yoshino (Katana) Kinabukasan, paglabas ko ng kwarto ay agad bumungad sa akin ang ibang kasama sa bahay ni Tita Ayami. Si Ayato na abala sa hawak niyang libro ngunit agad na tumingin sa akin at ngumiti bilang pagbati nang ipakilala siya sa akin ng kanyang ina. Si Ayaka na abala sa pag-aasikaso sa kanyang makulit na anak na nakikipagtalo pa para sa kakainin na umagahan. Ang asawa naman niyang si Liam na siyang nagluluto ng agahan. Masaya din nila akong binati ngunit hindi na masyadong pinansin dahil agad nilang ibinalik ang atensyon sa mga ginagawa. At si Yami na tahimik lang na kumakain ng kanyang cereal habang nakatutok ang mata sa tv. Hindi na ito nag-abala pa na tumingin sa akin at bahagyang nag-wave na lang ng kanyang kamay ng ipakilala siya sa akin ng ina. And of course, h

