Nanami Yoshino (Katana Light) “Are you sure about this?” Si Ashen ang huling nakaalam na ako na muli ang may kontrol sa katawan ko at hindi na si Umi. Abala pa kasi siya sa mga meeting na ina-attend-an niya sa headquarters ng X kaya nakabalik siya dito sa condo unit, eksaktong palabas na kami. At sinabi ko nga sa kanya na kakailanganin kong pumunta ng Australia sa lalong madaling panahon upang ayusin ang problema na ginawa ni Khionen at iyan ang kanyang naging reaksyon. “That is not your responsibility,” giit niya. “You don–” “Actually, it is my responsibility,” sambit ko. “Normal people can’t fight a population of zombies without getting bitten. At wala na din naman akong iba pang mahihingan ng tulong upang pumunta doon dahil nga isa lang ito sa trap ni Khio para makuha ang mga taong

