Base sa information na ibinigay ni Maia, delikado ang paligid ng Columbia Station. Maraming zombies ang nagkalat sa paligid kaya hindi na ako nagtaka nang makitang hanggang ngayon ay nasa loob pa din ng train ang mga taong nang-iwan sa akin kanina.
Nanatili muna akong nakaupo sa isang abandonadong bagon na hindi kalayuan sa train na iyon at pinapanood kung paano sila matakot.
Aba, sila naman ang may kasalanan niyan. They choose to leave the only person who can kill those creatures. They choose to leave me instead of taking my deal.
Iginala ko ang tingin ko sa kabuuan nito at sa bandang likuran ng tren ay naroon si Kanary.
"s**t!" Mahigpit kong ikinuyom ang mga kamay ko nang makita ang bendang nakabalot sa braso nya. Sinong sira ulo ang nanakit sa kanya?
Sana lang ay buhay pa ang gagong iyon dahil gusto kong ako mismo ang magpahirap sa kanya. Ang kapal ng mukha nyang saktan si Kanary.
Tsk. I don't have time for this. Kailangan ko nang makuha si Kanary at nang malaman ko na din kung sino ang na-detect ni Maia na nagtataglay ng DNA ni Khionen.
**********
Ash Eiren Aozaki's Pov
Kanina pa nagpapanic ang mga kasama ko dahil pinalilibutan na ng mga zombie ang train na sinasakyan namin. At sa tingin ko, hindi din magtatagal ay hindi na kakayanin ng mga salaming bintana na i-hold ang mga iyon.
Those zombies are just a typical one na napapanood natin sa mga movies. Mabagal but aggressive, they were craving for brains but they still eat every part of human's body. And they transmitted the virus kapag nakagat.
"Ano nang gagawin natin." natatarantang sabi ni Vierra. "Hindi tayo makakaalis dito dahil sa mga iyan."
"And whose fault is it?" tanong ko. "In this kind of situation, you have to do everything to survive. Pero anong ginawa nyo? Iniwan nyo lang naman ang nag-iisang tao na pwedeng magligtas sa atin."
"Kung hindi namin ginawa iyon ay tayo naman ang mapapahamak." giit
ni Vierra
"Seriously?" Inis akong bumaling sa kanila. "Ano ba talaga ang sinabi nya sa inyo? Kasi kung talagang gusto nyang ipahamak tayo, hindi na sana nya tayo tinulungan na i-control ang naunang train na sinakyan natin."
"You don't understand—"
"Kaya nga ipaliwanag nyo." Nakakabadtrip na huh. Kanina ko pa tinatanong kung ano bang sinabi ni Katana sa kanila pero ayaw naman nilang sabihin. "Ano ba? Sabihin nyo para alam ko ang dahilan kung bakit ako mamamatay ngayon!"
There's no way out. Wala kaming supply dito sa loob ng train kaya kung hindi kami mamamatay dahil sa mga zombies na iyan ay mamamatay kami sa gutom at uhaw.
"She wants us to protect you." ani Vierra na ikinakunot ng noo ko.
"What?"
"Ang sabi nya, nakahanda syang alisin ang lahat ng zombie na haharang sa atin at dadalhin tayo sa ligtas na lugar pero kapalit noon ay kailangan naming siguruhin na hindi ka masasaktan o mamamatay." paliwanag nya na ikinanganga ko. Seryoso ba iyon?" I am serious, Ashen. Hindi ko alam kung anong gayuma ang ibinigay mo sa babaeng iyon pero mukhang tinamaan sayo kaya gumawa ng ganitong deal imbes na tulungan nalang tayo."
"I didn't do anything to her." alma ko agad. "Baka ayaw lang nyang masayang ang effort nya dahil nga iniligtas na nya ako noong muntik akong maging zombie sa unang train na sinakyan natin."
Sabay silang napalingon sa akin na ikinagulat ko.
"B-bakit?'
"Alam mo bang iyan ang eksaktong sinabi nya." sabi ni Vierra. "She don't like or dislike you pero gusto nyang manatili kang buhay dahil ayaw nyang masayang ang effort nya sa pagliligtas sayo."
"Eh?" Inisip ko lang ang pinaka-logical reason para sa isang taong nagligtas ng buhay ko. Kung ako lang din naman ang nasa posisyon ni Katana at may iniligtas akong tao, sisiguraduhin kong hindi na sya mapapahamak uli hangga't kasama ko sya. Bakit? Eh kung mamamatay din pala sya, bakit ko pa pahahabain ang paghihirap nya?
Simple as that kaya naiintindihan ko kung bakit gusto ni Katana na manatili akong buhay.
__________
Lumipas pa ang dalawang oras ng pananatili namin sa loob ng train at sa pagkakataong ito, basag na ang ibang bintana. Siguradong ilang minuto nalang ang itatagal bago tuluyang makapasok ang mga zombie dito at sakmalin kami.
"I admit it." sigaw ni Vierra. "It is my fault. Hindi nga dapat natin iniwan si Katana. Hindi dapat ako natakot sa kanya at ginawa ko nalang sana ang gusto nya."
"It's too late for that, Vierra." sabi ko tsaka bumuntong hininga. "But I won't just sit here and let that f*****g zombies eat my body." Tumayo ako tsaka inilabas ang puting katana na ibinigay sa akin ni Katana.
"Wait." pigil sa akin ni Xhylem. "Saan mo nakuha iyan?"
"Ibinigay ni Katana." sabi ko tsaka inalis ang kaha nito at bumungad sa akin ang talim nitong may red curvings. Napakunot ang noo ko habang nakatitig doon. "Khionen?" Iyon ang nakaukit sa talim. Iyon ba ang mismong may-ari nito?
"May ganyan ka pero bakit hindi mo agad ginamit?" tanong ni Vierra.
Bumaling ako sa kanya. "Baka nakakalimutan mo, nandito ako dahil sa kapatid ko. At hindi ko obligasyon ang maging bodyguard mo."
Hindi naman talaga kami close ni Vierra but I tried my best to be nice to her dahil alam kong mahal sya ng kapatid ko. Pero hindi ibig sabihin ay hahayaan ko syang utus-utusan ako.
Natigilan sya at kumapit nalang kay Xhylem na ipinagpasalamat kong hindi na din nagsalita.
Aba, ayokong mag-away kami sa sitwasyong ito nang dahil sa babaeng iyan. Alamnyang ako pa din ang nag-aadjust para sa mahal nya eh.
"I will try to lessen them. Kapag nakakita na kayo ng pagkakataon para lumabas, gawin nyo." sabi ko. "Maghanap kayo ng pwedeng gamitin para makatulong sa iba pa."
Binasag ko ang bintana sa mismong harapan ng train at doon lumabas
tsaka sumugod sa mga zombies na nagpipilit pumasok sa train. Nakita ko kung paano pinatay ni Katana ang mga ito kaya ganoon ang ginawa ko. Hinahati ko ang bungo nito at kahit nakakasuka ang nakikita ko ay hindi ako tumigil para lang maubos o mabawasan man lang sila.
Wala naman kaming ibang mahihingan ng tulong.
But damn! Hindi ganito kadali. Kahit gaano ako kasanay makipaglaban, kung hindi naman ako sanay sa weapon ay hindi din madaling kumilos.
Yeah, pamilyar sa pakiramdam ang hawakan ito pero ang gamitiin? Nah. Ang hirap. Kung sino ang may-ari ng espadang ito, siguro ay magaling din syang swordsman tulad ni Katana.
Napaatras ako nang tuluyan kong maagaw ang atensyon ng mga zombie at isa-isa na silang naglakad papunta sa akin. Wala akong nagawa kundi ang magpatuloy sa pagpatay sa kanila dahil hindi din naman ako papayag na mamatay at maging tulad nila.
Ayokong sayangin ang effort na ibinigay ni Katana para iligtas ako at para ibigay sa akin ang isang bagay na tingin ko ay mahalaga sa kanya.
Muli akong umatras at nanlaki ang mata ko nang may mabangga ako. Inakala kong isa din iyong zombie kaya agad akong humarap dito tsaka iwinasiwas ang espadang dala ko pero tumama iyon sa isa pang metal.
"I told you to be careful with this weapon."
Nanlaki ang mga mata ko nang makitang si Katana pala ang nasa likuran ko at sa espada nya tumama ang espada ko. "Katana."
"Ang tagal nyong nag-stay sa loob ng train kaya nakahabol agad ako." aniya. "But enough with the talk. We need to kill all this creatures." Hinila nya ako at sinimulang patayin ang mga zombies na natitira.
Napangiti nalang ako at muling itinuloy ang pagpatay sa mga zombies. At nakakpagtakang sa pagkakataong ito, naging madali na para sa akin ang gamitin ang espada. Ang weird nito huh.
But never mind that. At least malaking tulong talaga ito para sa akin.