Nanami Yoshino (Katana) Hindi ko inaasahan na muli kaming magkikita nitong si Ashen. Inakala ko na ilang araw lang ang itatagal nila dito pero mukhang nakahanap ng dahilan si Vierra upang makapagtagal sila dito. At hindi ko sila masisisi dahil talagang magandang mag-stay sa lugar na ito. Kahit ako ay nag-iisip na din na manirahan dito ng pangmatagalan. Well, iyon ay kung walang mangyayari na hindi maganda. “Then, do you remember what happened to you earlier?” Umiling ako. “I don’t really know what happened,” sambit ko. “Bigla lang akong nakaramdam ng sakit ng ulo at panghihina.” “Wala ka bang ginawa kanina?” Muli akong umiling. “Okay ako kanina bago umalis sa club room.” Pero sa totoo lang ay naaalala ko na may narinig akong boses bago sumakit ang ulo ko. Ayoko lang sabihin sa kan

