Nanami Yoshino (Umi Weiya) Hindi ko kailanman naisip na darating ang ganitong klaseng pagkakataon kung saan makakausap ko ang mga anak ni Katana tungkol sa mga bagay na mahalaga sa kanilang buhay. Well, I never really intended to be part of their life in the first place. Masyado kasing maraming problema ang kinakaharap nila at nakikita ko naman na kayang i-handle ni Katana ang lahat ng iyon. Pero nagbago ang lahat nang magdesisyon nga siyang lisanin ang isla kung saan sila nagtatago. Mas naging emosyonal siya at sa nasaksihan ko noon ay hindi maganda ang estado ng pag-iisip ni Katana kapag masyado siyang emosyonal. So, I stand by and always alert myself just in case she has a problem that she can’t deal with. “I have been in their life for so many years without them knowing so I nev

