Nanami Yoshino (Katana Light) Dahan-dahan nang binuksan ng mga sundalo ang malaking gate na siyang humaharang sa daan papasok ng syudad. At nang tuluyan itong mabuksan ay agad nang pinaandar ni Ashen ang sasakyan na kinalalagyan namin dahil magsisimula na ang operasyon namin para ubusin ang mga zombie dito at maghanap ng safe zone kung saan namin maaaring dalhin ang mga survivors. Napagplanuhan na kasi ng kanilang gobyerno na simulan ang rescue mission para sa mga natitirang survivor sa loob ng syudad. At sinabihan nila kami na kung mayroon kaming mahahanap na lugar kung saan sila maaaring makapaglanding ay agad silang magpapadala ng mga helicopter na siyang magpi-pick up ng survivor palabas ng syudad. Kaya naman nasa kamay namin ang lahat para tuluyang matapos ang problema sa syudad n

