Nanami Yoshino (Katana) As much as possible, pinapanatili ko ang distansya ko kay Louie dahil hindi ko naman alam kung paano i-handle ang isang parasite. Kapag kasi nakakakita ako ng mga ganito ay agad na akong tumatakbo palayo pero hindi ko iyon maaaring gawin dito dahil ang lalaking ito lang naman ang maaari kong asahan para malibot ang buong school at makahanap agad ako ng club na masasalihan. At wala din naman akong plano na pag-aralan kung paano i-handle ang sitwasyon kung saan mayroong involve na mga parasite. Nandyan si Lychee at ang sinasabi niyang grupo na kinabibilangan niya na siyang humaharap at lumalaban sa mga ganitong klaseng nilalang. Kaya ipapaubaya ko na ito sa kanya. Sigurado naman na nakita din niya ito bago kami umalis ni Louie sa office ng Student Council. But f

