Ash Eiren Aozaki’s Pov Agad akong napatayo nang makitang pabalik na si Xhylem sa bagon ng train kung nasaan kami. At akma ko pa sana siyang sasalubungin ngunit agad akong natigilan nang bigla niyang alisin ang hood ng babaeng nangunguna sa kanya at hawakan ang ulo nito. Doon ko nakita ang kabuuang mukha nito at nanlaki ang mga mata ko nang makita na si Katana nga talaga ito. Ngunit lalo pang nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang ginawa ni Xhylem dito kasunod ng kung ano ang sinabi nito. Nakita ko din ang naging reaksyon ni Katana sa ginawang iyon ng kapatid ko ngunit hindi man lang niya ito pinigilan. At mukhang nagulat pa ito sa sinabi ni Xhylem na naging dahilan kung bakit hindi agad siya nakasunod dito. At hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko ay kinukurot ang dibdib ko. Jus

